Friday, 30 November 2012

Is This The End?

Hopefully not. Hayy. Eto na naman. Nagaway na naman kaming dalawa. Isa lang ang sinimulan nun: ICE CREAM. Yeah. Alam ko na mababaw. Pero nakalimutan ko kasi na ililibre ko siya ng ice cream eh. Hayyy. Tanga ko talaga. So ayun. Dun nagsimula ang lahat. Tapos lumaki na. Di ko matanggap yung pinagawayan namin eh. Oo nga. Nakakasawa nga pag puro letter yung binibigay mo. Tama siya. 6 months, 6 letters. Puro na lang letter. Nakakasawa nga naman. Hayy. Sana naiinitindihan niya na namomroblema din ako pagdating sa pera. Sige Hazely. Kung nababasa mo ulit to eto na:

Sorry Hazely. Alam mo naman na ginagawa ko lahat para mapasaya ka diba? Hayyy. Eto na naman pinagawayan natin dati eh. Akala ko nakuntento ka na sa kung ano binibigay ko. Yun pala hindi. Pero sige, naiintindihan naman kita. Nakakasawa nga naman. Wala ng bago. Hayy. Pasensya ka na ha. Medyo naubusan na din kasi ako ng idea eh. Aminado ako dun. Pero kahit na, tinatry ko pa rin best ko para maayos  yun. Pero ngayong sinabi mo na na "materialistic" ka. Naiintindihan ko na ngayon. Handa naman ako ibigay sayo kung ano gusto mo eh. Sabihin mo lang. Ikaw talaga. Napaka unpredictable mo. Pasensya na. Mahirap lang kasi kami. Hirap na hirap tatay ko na bigyan ako ng pera. Dalawa pa kami ng kapatid ko. Sorrry talaga. Gustong gusto ko bumawi dun sa mga panahon na wala akong binigay sayo eh. Hayyy. Kung pwede lang na makabawi ako. Hazely. Please? Wag tayo maghihiwalay. Di ko kakayanin eh. Seryoso ako. Gagawin ko lahat para bumalik ka. Wag ka na magtampo sa akin. Babawi na lang ako. Sa Christmas Party. Babawi ako. Pagbigyan mo na lang ako. Please? Hazely. Mahal na mahal talaga kita eh. Willing ako ibigay lahat sayo para mapasaya ka lang. Ganyan kita kamahal. Kahit di pa ako kumain ng isang taon para lang mabigay sayo kung ano gusto mo gagawin ko. Wag ka lang magtampo sa akin. Yun lang naman ang ayaw ko eh. Pag nagaaway tayo. Lalo na pag mababaw lang pinagmulan eh. Sorry bebe ko. I love you so much. Wag tayo maghihiwalay ha? Promise ko yan eh. Tutuparin ko yan.

Isa pa, wag sana padalosdalos. Diba sabi ko nga, "breaking up is an option, but never the solution". Sana palagi mo tatandaan yan. Na pag may problema tayo magbebreak agad. Lahat naman ng bagay nadadaan sa maayos na usapan eh. Wag na po tayo magaway ha? Please lang. I love you po. :*****

Sana bumalik  ka na. Yun lang ang gusto ko. Maayos na sana tong problemang to.  :(

Saturday, 17 November 2012

Reminisce

So ayun nga. Lately nag-away na naman kami. Puro kadramahan na lang mga post ko dito no? Hayyy. Hi Hazely. Kung nababasa mo man to. Hello sa iyo. Para sayo to.

Naalala mo pa ba yung unang araw na tinext kita? Siyempre! Ako lang naman nakakalimot sa atin nung date na yun. Pero ngayon di na ako nakakalimot. February 28 2012 yun. 1 day bago mag Intrams yun. Syempre medyo awkward pa kasi 1st time eh. Dapat susurprise kita nun. Dapat di ako magpapakilala kaso sinabi ni Sadia. Oh well. Then kinabukasan pinanuod mo ko na maglaro ng Volleyball. Hahaha. Ambakla no? Tapos unang beses na sinabi mo sa akin na "Okay lang yan." kasi sinisi ko sarili ko nung natalo kami. Di lumipas ang isang araw na di kita tinext. Ikaw yung naging inspiration ko noon. May gusto na talaga ako sayo. Angkyut mo kasi eh. Atsaka tulad ng sinabi ko, there's something unique in you. Nacurious ako sayo. Sobra. You ran inside my head day and night. Naalala ko din yung umamin ako na gusto kita. Practice namin yun ng Noli Me Tangere. Ansaya ko nun. Dahil dun sa "Say You Like Me". So ayun nagstart na dun yung MU relationship natin. Naalala ko din yung 1st time na nagsama tayong dalawa. Sabi mo natatakot ka. So ayun. Sinundo kita. Natapilok pa nga ako nun sa sobrang kaba ko. Tapos nung summer naman. Nagkita tayo sa Rob ulit. Yun yung panahon na gustong gusto ko na mahawakan yung kamay mo. Kaso sabi mo bawal pa kasi di pa naman tayo eh. I want to hug you too. :( Kaso bawal ehhh. Tapos ang nakakahiya pa nun. Ikaw nagsabi ng "I love you" sa akin. Tapos di mo pa narinig yung reply ko. Hahaha. Nakakahiya yun. May 21st. Happiest day no? Sabi mo dapat 11 na lang monthsary natin. Kasi 11 talaga tayo naging mag MU. Pero okay na yun. Ansaya saya ko nung 21. Naalala ko pa yung gabing yun. Pauwi na kami nun galing Maragondon. Hayyy. Tapos nagstart na yung klase. Gabi gabi kitang hinintay. Tapos yung unang beses ko hinawakan kamay mo. Anlamig ng kamay mo. Pero kinilig ako nun. Ansarap sarap hawakan ng kamay mo. Haha. Tapos every Friday nasa Rob tayo. Hinuhug kita. Ansarap ng hug mo eh. Naaadik ako dun. Hinahanap ko palagi yun. Gustong gusto ko yung pakikitungo natin sa isa't isa. Hayyy. Ansarap ng mga panahon na yun. Tapos yung nanuod tayo ng movies sa MoA. Tapos yung mga fireworks. Napakaromantic nun. Kahit dun tayo lagi. Enjoy ako lagi pag kasama kita. Di ko lang sinasabi pero napakasaya ko pag magkasama tayo. Di siguro sapat yung simpleng "thank you" para pasalamatan ka. Ansarap sa pakiramdam ehh. Pag kumakain tayo. Pag magkatabi tayo. Pag nakasandal ka sa akin. Hazely mahal na mahal kita.

Hazely. Alam mo. Umiiyak ako habang tinatype ko to. Inaalala ko bawat moment na masaya tayo. Kahit pa may mga tampuhan at awayan tayo. Yung mga away-bati natin. Hayy. Gusto ko ibalik lahat. Gusto ko maging okay tayo. Gusto ko patunayan sayo na kakayanin ko pa magbago. Kahit wala ka ng tiwala sa akin. Susubukan ko pa rin. Gagawin ko makakaya ko. Para ipakita na nagbago ko. Kahit pa pinagtatabuyan mo na ako. Kahit sinasabi mo na "di na kita mahal" "ayaw ko na sayo" "di kita gusto". Yung sakit sobra sobra na. Tinitiis ko lahat para sayo. Di mo rin naman masasabi na di ako naging mabuting boyfriend sayo. Oo may mga times na nagkakamali ako. Yung "wag mo ko gaguhin". Nasobrahan lang ako nun. Nainis ako sayo nun eh. Pero wala na yun. Andali dali ko magpatawad. Pinapatawad agad kita. Kasi ayoko lalo ka masaktan. Iniintindi ko damdamin mo. Tao lang din ako Hazely. Nakakaramdam din ako ng sakit. Sobrang sakit na. Ayoko pa rin bitawan ka. Ikaw lang talaga nagiisa kong mahal. Sana marealize mo at maisip mo na kahit ganun ako. Andami ko ng nagawa para sayo. Yung mga mabubuting nagawa ko sayo. Di mo masisisi na puro na lang ako mali. Kasi pareho lang tayo nagkakamali. Yung pagpoint out mo sa mga kamalian ko. Dun ako nasaktan ng sobra. Siguro kung nasasaktan kita emotionally, maliit lang. Pero pag nagalit ka na. Ansakit. Mumurahin mo ko diba? Umabot na nga sa sinikmuraan mo ko. Di mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal? Tapos sasabihin mo "you're not good enough?" Di naman ako perpektong boyfriend eh. Sana marealize mo na pareho lang tayo nagkakamali. Di masama yun. Sana mapatawad mo pa ako. Sana maayos pa to. Gusto ko isalba yung relationship natin. Ayoko pa mawala ka. Hayy. Naalala ko pa yung sinabi mo na di mo na ako sasaktan. Di mo na ako aawayin. Yung sinabi mo na mangako ako. Mangako na kahit anong mangyari. Kahit gano kalalim yung pinagawayan natin. Di tayo maghihiwalay. Sinabi mo pa sa akin na pigilan kita. Eto ginagawa ko ngayon. Kaya natin to. Naniniwala ako sa atin. Wag mo sasabihin na di mo na ako mahal. Magpapakamartir ako para sayo. Titiisin ko lahat ng sakit. Mabalik ka lang. Ganyan kita kamahal. Kahit pa gago ako. Kahit tanga. Kahit bobo ako. Kahit di ako ayos na tayo. Nagbabago din ako. Nagsasawa na ako sa paulit ulit na pagaaway natin. Ayoko na umiyak pa. Gusto ko na magbago. Magbabagong buhay na ako. Please give me another chance to be with you? Please?

Mahal na mahal kita Hazely. Sana marealize mo rin yung mga effort ko para sayo. Wag mo naman sana baliwalain lahat ng ginawa ko. Di ko sinasabi na matuwa ka. Pero sana wag mo naman ako ganituhin. Sasabihin mo na lang bigla na "di na kita mahal". Ayoko ng ganun Hazely. Please? Ayusin natin ha? Mahal na mahal kita. Di ko kayang mawala ka sa akin. I can't stand the thought of losing you. I want to be yours. Hazely. I care for you alot. I'm afraid of losing a girl like you. :( Please?

Saturday, 10 November 2012

Thoughts for Today

Minsan nakakatakot din isipin. Isipin na ang hinaharap ay napaka "unpredictable". Alam ko lahat tayo naghahangad ng magandang kinabukasan. Magandang estado ng buhay. May magagarang kotse, naglalakihang bahay, maraming pera, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw o higit pa, walang utang. Karaniwang pangarap ng isang Pilipino na yan. Oo, inaamin ko. Kasama ako sa mga may ganyang pangarap. Lahat tayo gusto iangat ang estado ng buhay. Lahat tayo gustong makaahon sa dagat ng paghihirap. Saan nga ba nagsisimula ang lahat? Hindi ba't sa atin rin? Gustong gusto ko matupad yun. Kaso nga lang, may isa pang bagay ako na gusto. Gustong gusto ko yun. Lalo na sa hinaharap. Alam ko na matagal pa yun. Taon pa ang bibilangin. Walang imposible diba? Yung gusto ko eh makasama siya. Di lang ngayon, hanggang sa hinaharap. Di ko alam ano pwede mangyari dun. 10 years o mahigit pa ang hihintayin ko. Sana kayanin no? Mahirap na kasi. Una sa lahat, malayo kami. Buti sana kung taga-Maynila rin ako diba? Pano na lang kung pumasok ako dun sa NYK? Edi sa Laguna ako mag-aaral? Tangina. Anlayo. Di ko siya makakasama. Kahit siguro Friday wala. Makapasa lang ako sa isang school sa Manila mas pipiliin ko talaga yun. Gusto ko malapit lang sa kanya. Ayoko lumayo. Seryoso. Sana pumasa ako sa UP, LaSalle, UST or PLM. Pleaseeee? Yun lang talaga gusto ko. Kahit di ko siya makita araw-araw di tulad ngayon. Basta every Friday okay na ako dun. Hayy. Gusto ko kami hanggang sa dulo. Iba kasi talaga yung pakiramdam eh. Yung kahit awayin ka niya. Kahit nasasaktan ka na. Wala ka pa ring pakialam. Ang gusto mo lang yung BEST para sa inyo. Kaya kahit ilang beses na siyang umayaw, ako pa rin yung nagsasabi o nagpupumilit na wag muna. Di ako magsasawa na gawin yun. Siya lang ang gusto ko. SIYA LANG TALAGA. Wala na akong hahanapin pa sa kanya. Kumpleto na eh. Kuntento na ako sa kanya. Ayoko ng matapos pa to. Kung iisipin na kaya to, mangyayari. Okay lang kahit maging mapagkumbaba ako sa kanya, syempre mahal ko siya eh. Titiisin ko na lang lahat. Kahit malayo. Kahit mahirap. Kakayanin namin to. Hanggang sa dulo kami pa rin. TIWALA LANG. Mahal na mahal ko talaga siya eh. Mahal na mahal na mahal ko siya. Mahirap maniwala sa forever pero dahil sa kanya, nanumbalik yung pag-asa ko na may forever talaga. Dahil sa kanya, tiwala ako. :)