Saturday, 10 November 2012

Thoughts for Today

Minsan nakakatakot din isipin. Isipin na ang hinaharap ay napaka "unpredictable". Alam ko lahat tayo naghahangad ng magandang kinabukasan. Magandang estado ng buhay. May magagarang kotse, naglalakihang bahay, maraming pera, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw o higit pa, walang utang. Karaniwang pangarap ng isang Pilipino na yan. Oo, inaamin ko. Kasama ako sa mga may ganyang pangarap. Lahat tayo gusto iangat ang estado ng buhay. Lahat tayo gustong makaahon sa dagat ng paghihirap. Saan nga ba nagsisimula ang lahat? Hindi ba't sa atin rin? Gustong gusto ko matupad yun. Kaso nga lang, may isa pang bagay ako na gusto. Gustong gusto ko yun. Lalo na sa hinaharap. Alam ko na matagal pa yun. Taon pa ang bibilangin. Walang imposible diba? Yung gusto ko eh makasama siya. Di lang ngayon, hanggang sa hinaharap. Di ko alam ano pwede mangyari dun. 10 years o mahigit pa ang hihintayin ko. Sana kayanin no? Mahirap na kasi. Una sa lahat, malayo kami. Buti sana kung taga-Maynila rin ako diba? Pano na lang kung pumasok ako dun sa NYK? Edi sa Laguna ako mag-aaral? Tangina. Anlayo. Di ko siya makakasama. Kahit siguro Friday wala. Makapasa lang ako sa isang school sa Manila mas pipiliin ko talaga yun. Gusto ko malapit lang sa kanya. Ayoko lumayo. Seryoso. Sana pumasa ako sa UP, LaSalle, UST or PLM. Pleaseeee? Yun lang talaga gusto ko. Kahit di ko siya makita araw-araw di tulad ngayon. Basta every Friday okay na ako dun. Hayy. Gusto ko kami hanggang sa dulo. Iba kasi talaga yung pakiramdam eh. Yung kahit awayin ka niya. Kahit nasasaktan ka na. Wala ka pa ring pakialam. Ang gusto mo lang yung BEST para sa inyo. Kaya kahit ilang beses na siyang umayaw, ako pa rin yung nagsasabi o nagpupumilit na wag muna. Di ako magsasawa na gawin yun. Siya lang ang gusto ko. SIYA LANG TALAGA. Wala na akong hahanapin pa sa kanya. Kumpleto na eh. Kuntento na ako sa kanya. Ayoko ng matapos pa to. Kung iisipin na kaya to, mangyayari. Okay lang kahit maging mapagkumbaba ako sa kanya, syempre mahal ko siya eh. Titiisin ko na lang lahat. Kahit malayo. Kahit mahirap. Kakayanin namin to. Hanggang sa dulo kami pa rin. TIWALA LANG. Mahal na mahal ko talaga siya eh. Mahal na mahal na mahal ko siya. Mahirap maniwala sa forever pero dahil sa kanya, nanumbalik yung pag-asa ko na may forever talaga. Dahil sa kanya, tiwala ako. :)

No comments:

Post a Comment